Episode 97 – Grandparent’s Day

Episode 97

Ang Grandparent’s  Day ay isang event o occasion na sinecelebrate taon taon para bigyan ng parangal ang mga grandparent sa buong mundo. Ang Grandparent’s Day ay sinecelebrate tuwing first Sunday of September.

Ang Grandparent’s  Day celebration ay nagsimula sa bansang United States noong 1978 at ang Grandparent’s  Day ay unang ginanap noong 1978 at ang nagpasimula nito ay sina Marian McQuade ng Oak Hill, West Virginia, Senator Jennings Randolph, Senator Robert Byrd  at si President Jimmy Carter.

Si McQuade ang nakaisip ng concept ng Grandparents Day dahil gusto niyang turuan ang mga youth tungkol sa kahalagahan ng mga seniors at grandparents sa community. Nang dahil sa request ni Marian McQuade, nagdesisyon si West Virginia Governor Arch Moore na gawing annual ang celebration ng Grandparent’s Day sa state ng West Virginia.

Noong 1973, si Senator Jennings Randolph ang nag introduced ng resolution sa senate tungkol sa Grandparent’s Day at nag suggest din siya na gawing national holiday ang Grandparent’s Day subalit ang resolution ni Senator Randolph ay hindi nabigyan ng approval ng U.S. Senate committee, kaya si Marian McQuade ay nag organized ng mga supporters para matuloy ang Grandparent’s Day at tinawagan din niya ang mga governors, senators at congressmen sa buong Amerika.

Pagkalipas ng tatlong taon, ang determination ni Marian McQuade ay nagkaroon na ng magandang resulta at siya ay nakatanggap na rin ng suporta sa iba’t ibang states sa Amerika at nakatanggap na rin siya ng Grandparent’s Day proclamations na nagmula pa sa 43 states sa Amerika at ipinadala niya ang mga kopya ng proclamations kay Senator Randolph para matuloy na ang petition niya tungkol sa Grandparent’s Day.

Noong February 1977, si Senator Randolph at iba pang mga senators ay nag introduced ng joint resolution at gumawa din sila ng request sa president para gawing annual ang celebration ng Grandparent’s Day at gawin ding first Sunday of September ang celebration ng Grandparent’s Day.

Pagkalipas ng ilang araw, pinasa na ng Congress ang batas tungkol sa Grandparent’s Day at noong August 3, 1978, pinirmahan na ni President Jimmy Carter ang proclamation ng Grandparent’s Day.

Grandparents-Day-Cards-01

Bukod sa Amerika, nagcecelebrate na rin ng Grandparent’s Day ang ibang bansa at ang mga naging trending sa Grandparent’s Day ay ang pag treat sa grandparent na kumain sa restaurant, paghahanda ng food sa bahay, mamasyal sa park or shopping mall, pagbibigay ng flowers, gift, greeting cards or remembrance sa grandparent sa Grandparent’s Day at kadalasan, hand written ang binibigay na greeting card sa kanilang grandparent para mas maappreciate ito ng mga grandparent.

5510570_f520

Ang Grandparent’s Day ay isang special na occasion at sinecelebrate ito taon taon kaya dapat itong icelebrate at pahalagahan at kahit hindi Grandparent’s Day, dapat bigyan ng parangal ang mga grandparent dahil sila ay mahalaga sa ating buhay.

Marlonizer ©2014 All Rights Reserved.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s