Episode 98 – Hashtag

Episode 98

Ang hashtag ay isang salita o phrase na walang space na pinangungunahan ng # number sign o hash symbol. Ito ay isang uri ng metadata tag. Halimbawa, #GoodVibes

Makakatulong ito sa mga tao na makahanap at sumali sa mga pag-uusap tungkol sa isang partikular na paksa. Ang pag-click sa isang hashtag ay magpapakita ng magkakaugnay na nilalaman.

Paggamit ng mga hashtag sa iyong mga post:

Gumamit ng mga hashtag sa pamamagitan ng pag type sa kanila saanman sa loob ng text ng post mo.

Narito ang ilang halimbawa ng hashtag:

I need #GoodVibes today.

#Happy ako kasi #Christmas ngayon. #GoodVibes

Keep Calm And Use #Hashtag

keep-calm-and-use-hashtag-6

Ang mga hashtag na ginagamit mo sa iyong mga post ay maaari din lumabas sa itaas ng post mo bilang mga kaugnay na hashtag.

Mga Kaugnay na Hashtag

Ang mga hashtag na lumalabas sa itaas ng isang post ay kaugnay ng nilalaman ng post na iyon. Ang pag-click sa isang hashtag ay magpapahintulot sa iyong galugarin ang mga kaugnay na post.

Ang mga kaugnay na hashtag ay tumutulong sa mga post na madiskubre at bumuo ng mga pag-uusap sa paligid ng nilalaman ng post na iyon.

Ang mga popular na website na ginagamitan ng hashtag ay ang Facebook, Flickr, Google+, Instagram, Tumblr, Twitter.

Dahil sa malawakang paggamit nito, naidagdag ang salitang “hashtag” sa Oxford English Dictionary noong June 2014.

Marlonizer ©2014 All Rights Reserved.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s