Episode 99 – Tapa, Tocino, Longganisa, Daing na Bangus

Episode 99

Tapa

½ kilong beef sirloin, hiniwang manipis

1 ½ kutsarang toyo

1 ½ kutsarang asin

1 kutsarang asukal na pula

1 kutsaritang tinadtad na bawang

¼ kutsaritang paminta

1 kutsarang mantika

¼ kutsaritang prague powder

Ibabad ang baka sa mga ibang mga sangkap ng ilang oras o ilang araw sa loob ng refrigerator. Iprito sa kaunting mantika.

Photo Jul 13, 2013, 8-14 PM - Copy

Tocino

1 kilong karne ng baboy, hiniwang manipis

4 na kutsarang asukal

½ kutsaritang prague powder

¼ tasang suka

1 kutsaritang asin

Ibabad ang baboy sa pinaghalong asukal, prague powder, suka at asin. Itabi nang ilang araw sa refrigerator.

Pagluto, maglagay ng kaunting tubig sa kawali. Ilagay ang tocino. Hayaang matuyuan at magmantika. Iprito sa pinagmantikaan. Kung kulang ang mantika ay maaaring magdagdag ng kaunti.

tocino - Copy

Longganisa

¾ kilong karne ng baboy

¼ kilong taba ng baboy

1 kutsarang asin

½ kutsaritang prague powder

1 kutsaritang phosphate

¼ tasang tubig

¼ tasang asukal

1 kutsarang pamintang buo, dinurog

1 ½ kutsarang toyo

2 kutsarang anisado wine

2 kutsarang tinadtad na bawang

Sariwang casing o gawaan ng longganisa, nilinis ng maigi

Tadtarin ang karne at taba. Ihalo dito ang asin, prague powder at phosphate na tinunaw sa tubig. Haluing maigi. Idagdag ang iba pang mga sangkap. Punuan ang casing at talian o buhulin sa nais na laki o haba. Itabi ng 1-2 araw sa malamig na lugar nang nakabitin para matuyo.

Pagluto, tusuk-tusukin ang longganisa ng tinidor at ilagay sa kawali na may kaunting tubig. Hayaang matuyuan at magmantika. Iprito sa sariling mantika. Kung kulang ang mantika ay maaaring magdagdag ng kaunti.

IMG_0830 - Copy

Daing na Bangus

2 malalaking bangus

Asin at paminta

4-5 kutsarang suka

5 butil ng bawang, dinikdik

Linisin ang bangus at hiwain sa likod o pandaing. Ibabad sa asin, paminta, suka at bawang ng ilang oras. Patuluin.

Sa kawali, magpainit ng mantika at iprito ang daing na bangus hanggang matusta.

Isang nausong agahan ay ang tapsilog na binubuo ng tapa, sinangag at pritong itlog. Ito ay masarap kasama ng mainit na kape o chocolate. Kung sa halip na tapa ay tocino o longganisa o daing na bangus ang kasama, ang tawag ay tocilog o longsilog o daingsilog.

8764db_2d845b5a7fd4507ca886fdf6eef42418.jpg_srz_4288_2848_85_22_0.50_1.20_0 - Copy

Marlonizer ©2014 All Rights Reserved.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s