Episode 100 – Hello Kitty

Episode 100

Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Hello Kitty?

Siyempre, kilala siya ng lahat ng tao lalo na ang mga kabataang babae dahil si Hello Kitty ang isa sa popular na fictional character sa buong mundo. Pero, gaano ninyo siya kilala at ano pa ang alam ninyo tungkol kay Hello Kitty? Kung hindi pa ninyo alam ang lahat lahat tungkol kay Hello Kitty, narito ang ilang information tungkol kay Hello Kitty.

Noong 1962, ang founder ng Sanrio na si Shintaro Tsuji ay nagsimulang magbenta ng rubber sandals na may design at painted na flowers. Sinabi ni Tsuji na mas magiging mabenta ang kanyang mga sandals kung lalagyan niya ng cute design ang mga sandals. Kaya, nagdesisyon si Tsuji na mag hire ng cartoonist para gumawa ng cute design para sa kanyang mga merchandise at ang na hire niya ay si Yuko Shimizu. Si Yuko Shimizu ang original na nag design kay Hello Kitty noong 1974. Ang kauna unahang product ni Hello Kitty ay ang vinyl coin purse na ginawa sa Japan noong 1974 at ang design nito ay nakaupo si Hello Kitty sa pagitan ng bottle of milk at goldfish bowl. Ang Hello Kitty products ay dinala sa Amerika noong 1976.

hello_kitty_01

Ang Sanrio ay nagdesisyon na gawing British ang nationality ni Hello Kitty dahil noong mga panahon na ginawa si Hello Kitty, maraming foreign countries lalo na ang Britain ang nag trendy sa Japan at kaya din nila ginawang British si Hello Kitty ay para maiba naman daw.

Nakuha ni Shimizu ang pangalang Kitty sa book ni Lewis Carroll na Through the Looking-Glass. Base sa librong ito, si Alice ay may kalarong pusa at ang tawag niya dito ay Kitty, kaya yun ang dahilan kung bakit naging Kitty ang pangalan ni Hello Kitty. Ang surname ni Hello Kitty ay White.

Ang motto ng Sanrio ay “social communication” at ang unang tawag nila kay Kitty ay Hi Kitty at pinalitan nila ito ng Hello Kitty.

Sinabi ng Sanrio na si Hello Kitty ay walang bibig dahil nagsasalita si Hello Kitty mula sa puso sa halip na nagsasalita ng isang partikular na language at gusto ng Sanrio na ang mga tao ang siyang mag project ng kanilang mga feelings sa character na si Hello Kitty at ang mga tao din ang magsabi kung happy or sad ba si Hello Kitty. Si Hello Kitty din ang ambassador ng Sanrio sa buong mundo kaya hindi siya nagsasalita sa isang particular na language lang.

Hello Kitty’s Family

KITTY WHITE OR HELLO KITTY – Si Hello Kitty ay ipinanganak noong November 1, 1974 sa suburbs ng London, England. Si Hello Kitty ay nakatira sa London, England at kapiling niya ang kanyang mother na si Mary White, father na si George White, at ang twin sister na si Mimmy White. Si Hello Kitty at Mimmy ay parehong nasa 3rd grade. Si Hello Kitty ay may malaking ulo at may suot na red ribbon sa kanyang left ear. Ang height ni Hello Kitty ay katumbas ng pinagpatong patong na five apples at ang weight naman niya ay katumbas ng pinagsamang three apples. Si Hello Kitty ay mahilig sa music, magbasa, maglakbay, makipag kaibigan, at magbake ng cookies at kumain ng homemade apple pie na luto ng kanyang mother na si Mary. Bukod dito, si Hello Kitty ay mahilig mag collect ng mga cute things at ang favorite subjects ni Hello Kitty sa school ay English, music, and art. Si Hello Kitty ay simbolo ng generosity, innocence, kindness, bright at higit sa lahat ay friendship.

Hello Kitty

MIMMY WHITE – Si Mimmy ay may suot na yellow ribbon sa kanyang right ear at siya ang twin sister ni Hello Kitty. Si Mimmy ay mahiyain at mahilig magtahi ng damit. Si Hello Kitty at Mimmy ay laging magkasama dahil bukod sa twin sila, sila ay mag bestfriend din at close din sila sa isa’t isa.

GEORGE WHITE – Si George ang father ni Hello Kitty. Si George ay nagwowork sa trading company. Si George ay hardworking, dependable at humorous pero minsan siya ay medyo absent-minded.

MARY WHITE – Si Mary ang mother ni Hello Kity. Si Mary ay very kind and loving. Si Mary ay mahusay magluto at mahilig sa gawaing bahay. Ang apple pie ang pinaka famous at specialty sa luto ni Mary.

ANTHONY – Si Anthony ang grandpa ni Hello Kitty. Si Anthony ay maraming alam lalo na sa paglilinis ng gamit at mahilig din siyang mag kuwento ng mga great tales sa kanyang family. Bukod dito, mahilig ding mag painting si Anthony.

MARGARET – Si Margaret ang grandma ni Hello Kitty. Si Margaret ay mahilig mag bake at mahusay siyang gumawa ng pudding. Bukod dito, si Margaret ay mahilig ding magtahi ng damit at gumawa ng mga embroidery lalo na sa kanyang rocking-chair.

Family

Si Dear Daniel ang childhood friend ni Hello Kitty. Si Dear Daniel ay ipinanganak sa London noong May 3 at ang kanyang name ay Daniel Starr. Si Dear Daniel ay nag travel kasama ang kanyang parents kaya nagkalayo sila ni Hello Kitty. Si Dear Daniel ay fashionable, sensitive, mahusay sa dancing at mahilig ding magplay ng piano, mag photography at gusto din niya na maging celebrity.

Ang mga friends naman ni Hello Kitty ay sina Cathy, Tippy, Joey, Jodie, Fifi, Tracy, Tiny Chum, Rory, Mory, Tim and Tammy.

Friends

Si Charmmy Kitty ay isang white Persian cat at siya ang pet ni Hello Kitty. Si Charmmy Kitty ay docile, obedient at mahilig siya sa mga shiny things. Ang necklace ni Charmmy Kitty ang susi sa jewelry box ni Hello Kitty.

Bukod kay Charmmy Kitty, si Hello Kitty ay may pet hamster din at ang pangalan nito ay Sugar. Si Sugar ang regalo ni Dear Daniel kay Hello Kitty.

Pets

Si Hello Kitty ay nagkaroon na ng iba’t ibang klaseng merchandise gaya ng coin purse, sandals, dolls, stickers, greeting cards, clothes, accessories, school supplies, stationeries, books, toasters, televisions, home appliances, electric guitar, massagers at computer equipments.

Bukod dito, si Hello Kitty din ang ginawang main character ng dalawang Japanese Sanrio theme parks. Ito ay ang Harmonyland at ang indoor Sanrio Puroland na matatagpuan sa Japan.

20120127_678113687_FilePath1

1015841

Dahil sa pagiging popular ni Hello Kitty, hindi rin naiwasan ni Hello Kitty na magkaroon ng issue tungkol sa kanyang identity.

Noong una, ang character na si Hello Kitty ay isang gijinka, isang uri ng anthropomorphism or personification ng isang female bobtail cat. Subalit, noong August 2014 ay biglang nagkaroon ng pagbabago tungkol sa character na si Hello Kity. Ayon sa isang anthropologist na nagmula sa University of Hawaii, sinabi niya na pinagsabihan daw siya ng Sanrio na si Hello Kitty ay hindi basta basta simpleng pusa lang dahil si Hello Kitty daw ay isang little English girl o isang Ingles na batang babae na nagmula sa London at ang tunay nitong pangalan ay Kitty White.

Marami ding lumabas na news sa TV, radio, newspaper at website na nagsasabing human o tao daw si Hello Kitty. Subalit, sinabi naman ng Sanrio PR representative na wala naman daw sinasabi ang Sanrio na si Hello Kitty ay human o tao at nag explain sila na si Hello Kitty ay isang anthropomorphization na katulad ni Mickey Mouse. Ang ibig sabihin nito, hindi totally at literal na human o tao si Hello Kitty pero hindi rin naman totally at literal na pusa si Hello Kitty.

Stokes-Hello-Kitty2-1200

Kung anuman ang identity ni Hello Kitty, hindi na mahalaga yun dahil anuman ang identity ni Hello Kitty, marami pa rin tao ang nagmamahal sa kanya.

Marlonizer Acknowledgments:  Sanrio

Marlonizer ©2014 All Rights Reserved.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s