Episode 101 – Selfie

Episode 101

Uso ngayon ang SELFIE pero ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang SELFIE?

Ang selfie ay isang uri ng internet slang na ang ibig sabihin ay pagkuha ng sariling picture gamit ang camera phone, web camera or digital camera. Kadalasang pinapakita ito sa mga social networking site tulad ng Facebook, Instagram at Twitter.

Ang kauna unahang selfie ay kuha mula sa isang American photographer na si Robert Cornelius noong 1839 at ang unang selfie ay nagmula din sa isang 13 years old Russian na si Grand Duchess Anastasia Nikolaevna noong 1914.

Ang selfie ay unang binaggit noong September 13, 2002 sa isang internet forum sa Australia kung saan pinag-uusapan ang mga ginagawang katawagan o mga salitang pinaiikli ng mga Australian.

Ang salitang selfie ay pinauso din ng designer/photographer na si Jim Krause noong 2005.

Noong 2004, una itong ginamit sa paglalagay nito sa isang hashtag hanggang tuluyan na itong sumikat noong 2012.

Ayon naman sa Time Magazine, ang salitang selfie ay pasok na sa Top 10 Buzzwords ng 2012.

Ayon sa Oxford Dictionaries, lumobo sa 17,000-porsyento ang paggamit ng salitang “selfie” mula noong 2012 at dahil sa patuloy na popularidad ng selfie, itinanghal bilang “word of the year” ng Oxford English Dictionary ang word na “selfie” noong November 2013.

Noong August 2014, ang salitang selfie ay officially accepted na rin sa word game na Scrabble.

Ngayong 2014 ay lalong naging popular ang selfie dahil ma pa normal na tao, celebrity, president, maging ang Pope ay nagseselfie na rin.

Sa Pilipinas, madaling sumikat ang selfie dahil ang mga Pinoy ay mahilig talagang magpa picture dahil isa itong paraan para balik balikan ang kanilang mga masasayang alaala sa buhay.

Marlonizer ©2014 All Rights Reserved.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s