Episode 102 – Earthquake & Tsunami

Episode 102

Ang earthquake ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiyang seismiko. Madalas, ang mga earthquake ay sanhi ng paggalaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng mundo (crust). Ang enerhiyang lumalabas ay sumasanga sa lahat ng direksiyon mula sa kanyang pinanggalingan, ang pokus, sa anyo ng mga seismikong alon. Ang anyo ng mga seismikong alon ay maihahalintulad sa anyo ng payapang tubig na hinulugan ng isang bato. Kahit na ang enerhiya ay mabilis na nababawasan habang ito ay papalayo sa pokus, may mga sensitibong kagamitan na nakatalaga sa iba’t ibang panig ng mundo para itala ang mga pangyayaring may kinalaman sa pagyanig ng lupa.

Ang malakas na enerhiya na nilalabas ng mga atomikong pagsabog o ng mga pagputok ng bulkan ay maaring makapagdulot ng earthquake, ngunit ang mga pangyayaring ito ay maituturing na mahina at madalang. Mayroong sapat ng patunay na ang mundo ay hindi isang statik na planeta. Ayon din sa ilang pag-aaral, ang pang-ibabaw na kalatagan ng mundo ay umaangat paminsan-minsan. Patunay dito ang mga ilang sinaunang parte ng kalatagan ng mundo na noon ay nasa mababang lugar na ngayon ay may ilang metro na angat sa pinakamataas na antas ng alon. Sa kabilang banda naman, ay may pagkakataon din na nagkakaroon ng matinding pagbaba ng lupa. Karagdagan sa mga patayong pag-iiba na mga nabanggit ang pagkawala ng pagkakahanay ng mga bakuran o kalsada, at iba pang mga struktura na nagpapakita ng pahalang na paggalaw. Ang mga paggalaw na ito ay karaniwang maikakabit sa malalaking bitak sa pang-ibabaw na kalatagan ng mundo na tinatawag na fault.

Ayon sa mga siyentipikong nag-aaral ng seismolohiya, mayroong mga paraan upang masukat ang laki ng isang earthquake – katindihan (Ingles: intensity) at kalakasan (Ingles: magnitude). Ang katindihan ay tumutukoy sa antas ng pinsala sa isang lugar na dulot ng isang earthquake. Sa pagkakaroon ng mga seismograpo, naging malinaw ang pagkakaroon ng siyentipikong paraan ng pagsusukat batay sa seismikong talaan sa halip na paggamit ng mga walang katiyakang pansariling taya at opinyon na nakabatay lamang sa pinsala. Ang paraan ng pagsukat na ito ay tinatawag na kalakasan. Ito ay nakabatay sa masusing pagsusuri ng mga datos mga seismikong tala (at iba pang mga pamamaraan) para matantiya ang kabuuang halaga ng enerhiyang inilabas sa pinagmulan ng earthquake.

Para malaman kung paano magiging alerto sa earthquake, narito ang earthquake preparedness guide & safety tips.

Earthquake Preparedness Guide - Phivolcs

Ang tsunami ay mga sunod-sunod na alon na nabuo kapag ang isang bahagi ng tubig, tulad ng karagatan, ay mabilis nabago ng malakihan. Ang mga earthquake, malaking pagkilos ng tubig, sa ibabaw man o sa ilalim, pagputok ng bulkan at iba pang uri ng pagsabog sa ilalim ng dagatpagguho ng lupa, malaking pagtama ng kometa at nuclear test sa karagatan ay maaaring makabuo ng tsunami.

Samantala, ang daluyong naman ay ang pagbahâ sa baybayin o ang mala-tsunaming pagtaas ng dagat na karaniwang bunsod ng samâ ng panahon gaya ng bagyó.

Para malaman kung paano magiging alerto sa tsunami, narito ang tsunami preparedness guide & safety tips.

tsunami_poster_english-copy

Ang kalamidad ay maaaring mangyari kahit saan kahit kailan, pero maaari natin malampasan ang kalamidad kung tayo ay magiging alerto at handa at para mas maging handa at alerto sa panahon ng kalamidad, dapat magkaroon ng kaalaman tungkol sa kalamidad.

Marlonizer Acknowledgments: Department of Science and Technology, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Marlonizer ©2014 All Rights Reserved.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s