Episode 103 – Chess

Episode 103

Ang chess (ahedres) ay isang nakalilibang at labanang laro para sa dalawang manlalaro. Nilalaro ang laro sa ibabaw ng isang parisukat na tablang may 64 na maliliit pang parisukat na may dalawang magkaibang kalimliman ng kulay. Sa simula, bawat manlalaro (itim at puti) ang nagmamando sa 16 na mga piyesa ng chess: isang hari, isang reyna, dalawang tore, dalawang obispo, dalawang kabalyero, at walong mga kawal (pawn). Layunin ng laro ang mabitag (checkmate) ang kalabang hari, kung saan ang hari ay agad na napailalim sa isang paglusob at wala nang ibang paraan upang alisin ito sa pagkakasilo sa susunod na galaw.

Nanggaling ang chess sa India, kung saan chaturanga ang una nitong anyo noong 6th century A.D., na ang ibig sabihi’y “apat na sangay ng sandatahan” – sundalo, kabalyero, elepante at karwahe, na katumbas ng pain, kabalyero, obispo at tore. Sa palibot ng taong 600 sa Persia, naging shatranj ang pangalan nito at pinaunlad pa ang mga rules. Nakuha ng mga Muslim ang shatranj matapos nilang masakop ang Persia, at pinangalagaan ang mga Persong pangalan. Sa Spanish, naging “ajedrez” ang pangalan ng “shatranj” (na pinagmulan ng Tagalog na pangalan), naging “xadrez” sa Portuguese at naging “zatrikion” sa Greek, ngunit sa ibang panig ng Europe ay napalitan ng ibang bersion ng Persong shāh (“hari”).

Narating ng laro ang Western Europe at Russia noong 9th century. Noong 1000, kalat na ito sa Europe. Matapos maipakilala ng mga Moro sa peninsula ng Iberio, tinukoy ito sa Libro de los juegos, isang kilalang manuskritong ipinakalat noong 13th century na tumukoy sa shatranj, “backgammon” at dado.

May teorya si David Li na nagsasabing nanggaling ang chess sa larong xiangqi, o kaya isang pinagmulan nito, na nilalaro sa China mula noong 2nd century BC.

Noong taong 1200, nabago ang mga rules ng shatranj, at narating na ng chess ang kasalukuyan nitong kalagayan noong 1475. Ang mga makabagong mga rules na ito’y nakuha ng Italy at Spain. Nakuha ng mga kawal ang kakayahang lumakad ng dalawang parisukat sa unang galaw, habang nakuha naman ng mga obispo at ng mga reyna ang kanilang kasalukuyang mga galaw. Dahil dito, naging pinakamakapangyarihan ang reyna: ang makabagong chess ay tinawag na “Chess ng Reyna”.

Noong Gitnang Panahon at sa Muling Pagsilang, ang chess ay bahagi ng kulturang maharlika; ginamit ito sa pagtuturo ng strategy sa pakikidigma at naging tanyag bilang Laro ng Hari.

Rules

640px-ChessSet

Mula sa kaliwa, isang puting hari, itim na tore at reyna, puting kawal, itim na kabalyero, at isang puting obispo.

800px-Opening_chess_position_from_black_side

Paunang ayos ng laro

Ang mga piyesa sa umpisa ng laro.

Paunang Posisyon. Unang linya: tore, kabalyero, obispo, reyna, hari, obispo, kabalyero at tore.

Kasunod na linya: mga kawal.

Chess

Ang chess ay nilalaro sa isang parisukat na tablang mayroong walong pahalang (na may number 1 to 8) at walong pababang mga linya (na may letter a to h) ng mga kuwadrado. Ang kulay ng 64 na kuwadrado ay salit-salitan at tinatawag na “maputing kuwadrado” at “maitim na kuwadrado”. Ang latagan ay inilalagay na ang pinaka-kanang puting kuwadrado ay nasa kaliwa ng bawat manlalaro, at ang mga piyesa ay inilatag nang tulad sa nakalarawan, na ang reyna ng bawat manlalaro ay nasa sarili nitong kulay.

Ang mga piyesa ay nahahati sa itim at puti na mga piyesa. Ang bawat manlalaro ay tinatawag ayon sa kulay na kanilang napili at nag-uumpisang maglaro nang may 16 na piyesa. Ang mga ito’y nahahati sa isang hari, isang reyna, dalawang tore, dalawang obispo, dalawang kabalyero, at walong kawal. Nauunang tumira ang puti. Ang mga kulay ay pinipili sa pamamagitan ng kasunduan sa pagitan ng mga manlalaro o ng director ng tournament. Salit-salitang iginagalaw ng mga manlalaro ang mga piyesa, isa bawat tira (maliban sa pagtatago, na sabay na paggalaw ng hari at ng tore). Ang mga piyesa ay maaaring pumunta sa mga parisukat na wala pang nakatayong ibang piyesa, o di kaya’y sa kuwadradong okupado na ng piyesa ng kalaban, pagkahuli at pagkakatanggal ng piyesang iyon sa laro. Maliban sa en passant, lahat ng mga piyesa ay humuhuli sa kalaban sa pamamagitan ng pagpunta sa kuwadradong kinatatayuan ng kalaban.

Kapag ang hari ay nasa tuwirang pag-atake ng mga kalaban, masasabing ito ay nasa ilalim ng paglusob. Pag nasa ganitong sitwasyon, ang mga tirang makaka-alis lang ng paglusob ang hahayaan. Ang bawat manlalaro ay di maaaring gumalaw sa paraang mahuhuli ng kalaban nang agaran ang hari. Layunin ng laro ang mabitag (checkmate) ang kalabang hari, kung saan ang hari ay agad na napailalim sa isang paglusob at wala nang ibang paraan upang alisin ito sa pagkakasilo sa susunod na galaw.

Mga tira

Ang bawat piyesa ay may kani-kaniyang estilo sa paggalaw. Ang mga ekis sa mga parisukat ay nagpapakita na maaaring pumunta doon ang isang piyesa kapag walang ibang umookupa sa pagitan ng panggagalingan at pupuntahan ng piyesa. Kung mayroong kalaban sa kanyang pupuntahan, ang piyesang gagalaw ay maari nang hulihin ang kalabang aabutan. Ang tanging kaibahan ay ang pain na maaaring manghuli ng mga nasa puting bilog.

Move 1

Pagtatago

Galaw ng hari

Minsan sa bawat laro, ang bawat hari ay pinapayagang gumawa ng isang natatanging tira, kilala bilang pagtatago (Castling). Ang pagtatago ay ginagawa sa pamamagitan ng paggalaw ng hari dalawang parisukat papunta sa isang tore, at pagtabi ng toreng iyon sa malayong kuwadradong katabi ng hari.

Magagawa lang ang pagtatago kung:

Wala sa mga gagawa ng aksiyon ang nakagalaw na;

Walang nakaharang sa pagitan ng hari at ng toreng pupuntahan;

Ang hari ay hindi maaaring magtago sa direktang pag-atake, o daanan ang mga kuwadradong maaaring puntahan ng mga kaaway. Tulad ng ibang pangkaraniwang galaw, ilegal ang pagtatago kung pag-atake ang kahahantungan ng hari.

Ang hari at ang tore ay dapat nasa parehong pahalang na guhit upang maiwasan ang pagtatago gamit ang pain na katataas pa lamang sa ranggo.

Sa bandang itaas: pagtatago ng itim na hari sa lugar ng reyna (kaliwa) at sa lugar ng hari (kanan). Ganoon din ang para sa puting hari (ibaba).

Move 2

En passant

Mga natatanging paggalaw ng kawal

Tataas ang rango ng pain sa c pababa, ang pain sa f o h ay maaaring manghuli nang en passant

Kapag ang isang kawal ay tumakbo ng dalawang parisukat at may nakatabi siyang kalabang kawal, maaaring hulihin ito ng kalabang kawal at pumunta sa dinaanan ng kalaban, ngunit sa galaw na iyon lang maaaring gawin. Halimbawa, kung ang itim na kawal sa g5 ay tumakbo agad ng dalawang parisukat papunta sa g5, maaaring hulihin ito ng isa sa dalawang puting kawal sa g6.

Pag-akyat ng ranggo

Kapag ang isang kawal ay tagumpay sa pagpunta sa ikawalong pahalang na linya ng kalaban, maaaring ipagpalit niya ito sa isang reyna, tore, obispo o kabalyero ng katulad na kulay. Kadalasan, ang pain ay napipiling ipagpalit sa reyna, ngunit sa ibang kaso, ibang piyesa ang pinipili (tinatawag na di-ganap na pag-akyat ng ranggo). Sa larawan sa kanan, ang kawal sa c7 ay maaaring pumunta sa ikawalong pahalang na guhit upang maging isang mas malakas na piyesa.

Katapusan ng laro

Hindi na kailangan ng laro na magtapos sa pagkahuli ng hari — isa sa mga manlalaro ay maaaring sumuko kung tila wala nang magagawa sa sitwasyong iyon. Maari ring maitabla ang laro. Maaaring mangyari ang pagkakatabla sa ilang mga pagkakataon, kabilang na ang pagkakasundo, pagkakakulong ng hari (stalemate), tatlong ulit na paglabas ng isang posisyon, sa batas ng limampung galaw, o di kaya’y hindi na magawang hulihin ang hari (kadalasa’y sa kakapusan sa piyesa).

Oras

Digitalna_sahovska_ura2

Liban sa mga larong isinasagawang walang oras, nilalaro din ang chess nang may oras, kadalasan ng mga propesyonal na manlalaro. Kung mauubusan ng oras ang isang manlalaro bago matapos ang laro, pagkatalo ang ibig sabihin nito. Ang pag-ooras ay kadalasang mula sa mga mahabang mga laro na natatapos sa pitong oras hanggang sa mga mas maikli pang mga laro (rapid chess) na kadalasang kalahati hanggang sa isang oras bawat laro. Mas maikli pa ang blitz chess na nagbibigay sa bawat manlalaro ng tatlo hanggang sa labinlimang minuto sa bawat laro at ang bullet chess (mas maikli pa sa tatlong minuto).

Ang larong chess ay hindi lamang isang libangan: maraming mga aspeto ng pag-iisip na madalas magamit sa buhay ng tao ang nakukuha mula dito at napapalakas nito, hanggang sa maging isang kaugalian ito sa lahat ng pagkakataon: dahil ang buhay ay tulad ng chess, kung saan may mga puntos na kailangang makuha, may mga katunggaling dapat labanan, at mayroong maraming uri ng magaganda at masasamang pangyayari, na dulot nito sa ilang detalye. Sa paglalaro ng chess, natuto tayo sa:

Pagharap sa hinaharap, na tumitingin sa anumang maaaring mangyari, habang isinasaalang-alang ang kahihinatnan ng isang gawain.

Pagsulyap sa lahat ng dako, na tumitingin sa buong kuwadrado, o pangyayari: – ang kinalaman ng bawat piyesa sa isa’t isa, at ang mga kalagayan.

Pag-iingat, na huwag basta-bastang gumalaw.

Marlonizer Acknowledgments: Wikipedia

Marlonizer ©2014 All Rights Reserved.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s