Episode 105 – Pisonet

Episode 105

Uso ngayon ang paggamit ng computer at kahit na anong bagay, academic man o games ay ginagamitan na ngayon ng computer.  Dahil sa makabagong panahon, maraming tao na ngayon ang marunong mag computer. Naging mabilis ang mga gawain, paghahanap at pag-aaral dahil sa computer. Ngunit hindi lahat ng tao ay kayang bumili ng computer. Dahil dito, maraming negosyante ang nakaisip na magtayo ng computer rental.

Sa karaniwang computer rental, ang lahat ng unit ay nakakabit sa isang server unit.  Ang server ay may control sa lahat ng iba pang mga unit. Dito malalaman kung gaano na katagal ang gamit ng isang customer para malaman mo kung magkano ang kailangan niyang bayaran.

Maaari ding walang server unit. Pagpasok ng customer ay magpapalista muna sa attendant para mastart na ang pagbilang ng minutes o hours ng paggamit. Madali lang sana ito kung ang isang computer rental ay may ilang unit lang ngunit ang set-up na ito ay magkakaroon ng problema kung magdadagdag ng maraming unit.

Ano ang mga maaaring mangyari sa computer rental na may server at sa computer rental na walang server?

1. Hindi maiiwasan na tumawad sa kanyang bill ang gumamit.

2. Maaaring utangin ng customer ang kanyang bill.

3. Sa internet rental na walang server, maaaring ilibre ng attendant ang paggamit sa kanyang mga kakilala.

4. Maaari ding singilin ngunit hindi ilista ang benta upang manakaw ng attendant ang pera.

5. Kung marami na ang unit, mahihirapan ang attendant sa pagsingil kung sabay sabay ang magbabayad at magpaparegister para mag rent ng computer at ang isa pa dito ay kung malaking halaga ang pera ng customer at kailangan pang magpabarya.

6. Ang computer rental ay magiging maayos lang talaga kung ang owner lang talaga ang magbabantay para maiwasan ang nakawan sa pera o lugi sa negosyo, yun nga lang dun na lang napunta lahat ang iyong oras at panahon sa pagbabantay lang ng computer rental at wala ka ng oras at panahon sa sarili at sa iba pang activities.

Ano ang advantage ng Pisonet kaysa sa karaniwang computer rental?

1. Hindi aandar ang computer kung hindi huhulugan ng piso.

2. Mag off ang screen ng computer kapag naubos na ang time ng gumagamit.

3. Hindi na kailangang pumunta pa sa attendant bago gumamit ng computer maliban lang kung magpapabarya.

4. Hindi mananakaw ang oras o pera dahil may kandado ang coin slot box at hindi rin aandar kung hindi huhulugan ng piso.

5. Kahit bata ay pwede ng gumamit basta may piso lang.

6. May hatak sa customer ang Pisonet dahil walang minimum time upang gamitin at hindi katulad sa karaniwang computer rental na mas kontrolado ang gagastusin sa paggamit ng computer.

7. Kahit marami pang unit ay kayang bantayan ng attendant ang computer rental.

8. Maaaring iwanan lang sa attendant ang negosyo at icheck lang kung may oras na makapunta sa computer rental.

Ano ang Pisonet?

Ang Pisonet ay kapareho ng computer video games na hinuhulugan ng piso o token. Ang pagkakaiba lang nila ay dito ay personal computer  ang ginagamit sa Pisonet. Ang Pisonet set ay katulad din ng karaniwang computer kaya lang may nakakabit na timer at coin slot. Tinawag itong Pisonet dahil ang customer ay makakapag internet o makakapaglaro sa computer na piso lang ang gamit. Mayroon dalawang klase ng pisonet yung pang indoor at yung pang outdoor at mayroon ding iba’t ibang klase ng Pisonet.

Iba’t Ibang Uri ng Pisonet

POWER Pisonet

Ito yung unang labas ng Pisonet na kung saan ang power outlet ang nawawala kapag nag time na. Dito isasaksak ang power cord ng monitor para kapag nag time na ay mawawalan na ng power ang computer.

Advantage: No display and no sounds din pero dapat mayroon ding power cord yung monitor at speaker.

Disadvantage: Direct cutting sa power source at dapat laging naka on ang CPU.

VGA Pisonet

Kapareho din ito ng power Pisonet na kung saan monitor display din ang nawawala pero ang pagkakaiba nito ay hindi sa kuryente pinapatay ang VGA Pisonet dahil ang monitor display lang ang naka standby at naka off pag nag time na. Mas maganda daw ang VGA Pisonet kaysa sa power Pisonet dahil hindi niya pinapatay sindi ang kuryente.

Advantage: No display at hindi direct cutting sa kuryente.

Disadvantage:  Dapat laging naka on yung CPU dahil kung hindi naka on yung CPUay walang display ang monitor.

USB Pisonet

Ito yung advance na Pisonet na kung saan ang isasaksak mo dito ay yung USB keyboard & mouse at kapag nag time or nawalan na ng oras ay hindi na gagalaw yung keyboard at mouse. Mas OK ito kasi hindi na patay sindi yung monitor & mas nakaka save ng power usage ang USB Pisonet kasi pwede mag standby.

Advantage: Save energy at pwede naman gumamit ng ilang apps para iclose ang lahat ng open programs at browsers at maaari ng isara ang CPU kahit mayroong display.

Disadvantage: Kapag nag time mayroong mga customer na nanonood pa (pero maiiwasan naman ito sa pamamagitan ng autoclose app.

Mayroong mga Pisonet na nasisira yung sensor pag matagal na, lumuluwag na yung wiring o kaya naman defect na talaga yung sensor at ito ang madalas masira sa Pisonet, kadalasan mabilis na dagdag or hindi nadagdag yung time kapag naghulog ng piso.

1. Idouble check kung naka aligned ang dalawang LED.

1958082_823275781021164_2128848641_n

2. Icheck ang number 1 wire kung hindi maluwag. Kung maluwag na ay pwede naman itong hinangin or lagyan ng glue.

3. Kung hindi pa din maayos, palitan na lang yung sensor. Just make sure & tandaan ninyo kung paano ninyo siya tinanggal. Alisin yung dalawang screen number 4 & 5, at palitan ng bagong sensor. Once na nakabit ninyo na yung bagong sensor,ayusin ang LED number 3 at dapat naka aligned sila & then iconnect na ulit yung number 2 wire. Kung hindi umilaw baliktarin lang ang kabit ng number 2 wire.

1920249_823279277687481_1146312493_n

Ang karaniwang time ng 1 peso ay 4 minutes = 15 / hour & dapat laging  tandaan na mag ready ng piso at bawal ang 5 peso coin dahil hindi ito kasya sa coin slot box.

Marlonizer Acknowledgments: Cyberya

Marlonizer ©2014 All Rights Reserved.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s