Episode 106 – Singaw

Episode 106

Ang singaw (mouth sore, mouth ulcer, oral ulcer, mucosal ulcer) ay isang uri ng kalagayan ng pagkakaroon ng sugat at paghapdi sa alin mang bahagi ng bibig katulad ng gilagid, likuran ng mga labi, at dila. Ang sugat na singaw ay mayroong bilog na hugis at bahagyang pailalim ang pagkabilog, at may puting kulay. Itinuturing ang pagkakaroon ng singaw bilang isang likas na kaganapan sapagkat kusa itong nawawala kapag ginawa ang tamang mga pamamaraan ng paglunas dito.

Ang singaw ay maaaring dahil sa pagkakagat ng isang tao sa sariling dila o labi, sa pagkakaroon ng iritasyon sa bibig, pagkakatusok ng tinik ng isda sa bahagi ng bibig, sa pagkapaso mula sa mainit na pagkain o inumin, marahas na pagsisipilyo, pagkakaroon ng impeksiyon (partikular na ang virus ng Herpes simplex), pag-inom ng mga gamot (partikular na ng Aspirin), kulang sa vitamin B at zinc, dental braces, pustiso, matitigas na pagkain, pagkakaroon ng ibang sakit, o kahit na ang pagiging pagod, puyat, at stress at maaaring ang pagbabago sa klima at temperatura. Kaya nga “singaw” ang tawag dito: singaw na nagmula sa mainit na panahon o matingkad na sikat ng araw ay sya ring sanhi ng singaw.

Hindi gamot sa singaw ang calamansi, tawas, suka, at asin. Lalo lang lalala ang singaw sa calamansi, tawas o asin. Para hindi lumala ang singaw, iwasan muna ang hindi pagkonsumo ng mga inumin at pagkaing matitigas, maiinit, maaanghang, maaasim at maaalat. Uminom ng 8-12 basong tubig sa isang araw. Kapag maraming tubig ang ininom, mas magiging basa ang ating lalamunan at bibig at hindi gaano sasakit ang singaw. Ang pagkain ng Yogurt o pag-inom ng Yakult ng 3 beses sa maghapon ay nakapagtatapal sa sugat ng mga singaw at mababawasan ang sakit ng singaw. Nakakatulong sa paggamot ng singaw ang ilang mga gamot sa singaw na nireseta ng mga doctor na nabibili sa pharmacy.

Kabilang sa mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng singaw ang hindi paninigarilyo, hindi pagnguya ng chewing gum, ang pagsisipilyo pagkatapos kumain, ang pagsisipilyo nang may tamang diin lamang, ang maingat at dahan-dahan sa pagnguya, uminon ng multivitamins na may vitamin B at zinc. iwasan din ang ma stress at magpahinga at matulog ng sapat. Iwasan ang mga pekeng toothpaste na may halong sangkap na posibleng magdulot ng singaw. Kumunsulta sa dentista. Kung matalas ang ngipin at madalas masugat ang gilagid, labi o dila patingnan sa dentista para ayusin ito.

Marlonizer ©2014 All Rights Reserved.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s